Nakakapanibago talaga,
Dati rati’y ang uwian ko ay laging between 5pm to 6pm pinakamatagal na ang 7pm galing school.
Ngaun eh 7:30 na ang pasok eh 11:30 pa ang uwian!. Malaki pa ang baon.
Nasanay na ako dun sa dating routine ko na pagdating sa bahay eh nanonood ng TV at nagrerelaks.
Eh ngaun eh nakakagawa na ko ng mga assignments at often times ay nakakapag recite na ako.
Ang sayang isipin na college nako.
Ngunit may napansin ako.
Sa labas ng gate ng unibersidad na pinapasukan ko eh maraming street children.
Maawain pa naman ako sa mga ganyan. Mga taong grasa na sinasama pa ang anak sa panglilimos.
Sabi ng teacher ko sa pilosopiya eh ang wisest way na dapat gawin sa mga un eh i-ignore sila.
Sabi nya na hindi nya mahal ang anak nya dahil isinasama pa sa kalsada at tine-take ang risk sa iba’t ibang peligro.
Oo nga naman. Pero mananaig pa rin ang damdamin.
Minsan ay binibigyan ko ang mga bata ng pera. (wise na saakin ang barya) at kung minsan eh ung pagkain na kinakain ko.
Pero sabi ng prof ko sa philosophy ay masama yun at ako ang kawawa.
Kasi sabi nya sa tuwing nagbibigay ang mga tao ng pera ay masasanay ang mga ito at uulit ulitin.
At dahil dito ay magiging dependant na ang mga ito. Mag rerely lang sila lagi sa mga limos na nakukuha nila.
Tama na siguro kung magbigay ka ngunit awa nga naman talaga. Talo ka pa rin.
Siguro mabuti na kung pagkain ang bigay mo sa kanila.
Kasi dahil dito ay sure kang kakainin nila, Kasi kung pera ay hindi mo alam kung saan nila gagastahin ang mga ito.
Malay mo sa drugs, rugby, sigarilyo, alak atbp.
Kaya kung makakakita ka ng mga ito eh pagkain na lang ang ibigay mo sa halip na pera.
Pansin ko naman ngaun ang mga pulitiko.
Bakit naman kaya sila gumagasta ng milyon milyon sa mga posters at campaign ads nila?
At kung P37,000 (ewan ko lang kung tama) eh hindi mo ito mababawi sa 4 o 6 na taon na paninilbihan.
Balita ko na may gumastos ng 10million pesos, 15 million pesos at 1 pesos.
Bakit kaya? hmmmmmmmm.
Iba talaga nagagawa ng pera.
Ang daming tumatakbo ngaun na mga showbiz.
Ay sus dapat hindi binoboto ang mga ito.
Depende na lang sa kanilang educational background. kung nakapagatapos ito ng law, polsci, public admin, legislative atbp mga may kinalaman sa pulitika.
Nakuuuu. Mahirap itindihin ang konstitusyon ng bansa natin. hindi basta basta.
Wala silang magagawa kundi intindihin kahit hindi nila iniintindi.
Yung mga abogado nga eh nahihirapan na sa senado eh pano pa kaya ung mga artista na walng alam kundi umarte.
Ginagamit lang nila ang kanilang kasikatan upang kumita ng pera. TAKE IT FROM ME!.
Pera Pera Pera. o bayong.
Ang daming nagagawa… nakakapagpasaya, palungkot, nakakapatay atbp.
Kahit ako kung minsan ay masaya kung nabibili ko ang mga gusto ko. Basta galing sa iyong pawis.
Ganun ulit ang pagpasok ko bukas. Pareparehas lang.
Pustahan pag ka gradweyt ko eh may makikita pakong ganyan sa daan.
Kahit nagtratrabaho nako. Kahit matanda nako. At kahit wala nako.
Anjan parin yan.
Sanay magawan ng paraan. Tumulong tayo sa pamamagitan ng dasal.
Madami pakong tots na umiikot sa isip ko. ayaw ko ng ilathala.
Hanggang dito na lang muna.
Ipinaskil sa Music, Politics, Uncategorized